Skip to main content

Filing ng Entrance Examination para sa mga nagnanais na maging Pulis sa buon lalawigan ng Occidental Mindoro, Nag-Umpisa na


Sinimulan ngayong araw, Marso 7, 2022 hanggang Huwebes, Marso 10, 2022 ang nakatakdang araw ng pagtanggap ng papel para sa pagsusulit ng mga nangangarap na maging kabilang sa ating kapulisan upang magtanggol at magprotekta ng ating bayan.
Ang mga magpa-file sa schedule na ito, ay mageexam naman sa April 09 at 10, 2022 na gaganapin sa Sablayan National High School.
Sa Biyernes, Marso 11, 2022 naman ang takdang araw para sa PO 4th Class, March 12, 2022 para sa PO 3rd Class na gaganapin din sa Sablayan National High School. Para naman sa PO 2nd at PO 1st Class ay sa magkasunod ding araw ng Lunes at Martes, March 14-15, 2022 na gaganapin naman sa Occidental Mindoro Police Provincial Office.
Para sa mga magpa-File kinakailangang dalhin ang mga sumusunod na dokumento:
A. Isang Government Issued ID tulad ng SSS, GSIS, VOTER’S ID, PASSPORT, DRIVER’S LICENSE, PRC AT Iba pa. Ang mga walang ID ay hindi pinapayagang makapasok.
B. 1 x 1 ID pictures na may puting background at kumpletong pangalan.
C. NAPOLCOM EXAMINATION Fee na 400 pesos
D. Isang legal- sized window envelope na may kasamang stamp na nagkakahalaga ng 21 pesos.
E. Transcript of Scholastic Records
F. Diploma
G. Birth Certificate

Official Website of Sablayan Legislative Office