
1st TAMARAW VOLLEYBALL CLUB LEAGUE
Naganap ang unang araw ng palaro sa Pink Evacuation Gymnasium ng Brgy. Sto. Nino, Sablayan, Occidental Mindoro sa pangunguna po ng inyong lingkod SK Federation President Harold S. Cortez at Brgy. Captain Elisa D. Obina, kasama rin nila dito ang Tamaraw Volleyball Club President Chester Insigne at ang kanyang mga adviser na sina, Sir Dawn Monding, Sir Hendrie Taniza, Sir Christian Lumanog, Sir John Paul Dacayanan at Sir George Bocobo.
Bilang Chairman ng Committee of Games and Sports Affairs, nais po ng inyong lingkod na suportahan ang inyong hilig sa paglalaro nang sa ganon ay mayroon tayong mga ibang pinagkakaabalahan ngayong bakasyon. Masaya po ako na makita kayong masaya dahil muli ninyong nagamit ang inyong talento sa paglalaro.
“WE PLAY, WE WIN! WE ARE VOLLEYBALL!”