
2022 Amazing Mindoro MoTOURcyle Challenge!
2022 Amazing Mindoro MoTOURcyle Challenge!
Ngayong araw, Setyembre 4, 2022, Ginanap ang pinaka- unang MoTOURcycle Challenge sa Occidental Mindoro, sa pangunguna ng ating Tourism office, Maam Sylvia Salgado at ni Sir James Patrick Holgado Head Coordinator ng nasabing Event. Maraming nakilahok galing sa iba’t ibang lugar kasama ang ilan sa mga kababayan natin sa Occidental Mindoro, sa loob ng labin-limang oras (15hrs) mayroon silang 500 kilometro na paglalakbay bilang hamon upang masukat ang tatag ng isang tao at ng makina nito . Ito ay dumaan sa Sablayan town Plaza, at huli sa Parola Presing Park para sa ilang paala-ala.
Nakiisa ang ating Mayor Walter B. Marquez, Konsehal Clarinda Lorenzo at Konsehal Marffin Dulay bilang Chairman on Committee on Tourism and Amusement. Kasama ang iba’t ibang ahensya sa Occidental Mindoro tulad ng : MDRRMO, PNP, ARM, MENRO/MENRO,DA, ABC, DPWH, TAMARRAW RIDERS, FOURTH TENSAB, DAR, BUCOR, FIRE.
Maligayang pagdating sa bayan ng Sablayan ! hanggang sa muli!
#batangsablayan