2nd Quarter | Educational Assistance

Ngayong araw ibinahagi ang pangalawang bugso ng Educational Assistance para sa 149 benepisyaryong mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan kabilang ang PWD at ilang kapatid nating Minority.
Sa pakikipagtulungan ng daluyan ng programa ng ating Pamahalaan Municipal Social Welfare and Development sa pangunguna ni OIC Ms. Ellaine Faith Gonzales naibahagi ang Educational Assistance na dinaluhan ng inyong lingkod, Vice Mayor Edwin N.Mintu, LYDO Representative Paul Kristian Licop, at ng ating butihing Mayor Walter B. Marquez.
Sa panghuling bahagi ng aking mensahe atin pong nasambit na ang ” Pag-unlad ng Sablayan, Pag-unlad ng Mamamayan ay Pag-unlad ng mga Kabataan”
« of 2 »

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office