A National Simultaneous Bamboo and Tree Planting Activity

“A National Simultaneous Bamboo and Tree Planting Activity”
Ang Department of Environmetal and Natural Resources o DENR ay nagsagawa ng programa na “A National Simultaneous Bamboo and Tree Planting Activity” na may temang: Buhayin ang pangangalaga sa kalikasan. Isinagawa ang programang ito sa Sitio Baclaran, Brgy. Pinagturilan, Sta. Cruz, Occidental Mindoro ,Sept. 13 ,2022 ng umaga.
Kasabay ang pagdiriwang ng kaarawan ng mahal na Pangulong Ferdinand Marcos, isinagawa ang nasabing programa, na naglalayong mapangalagaan at maprotektahan ang kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga punong kahoy.
Sa pangunguna ng opisyalis ng PENRO, LMO II Sir Wilfredo T. Aquino , Mayor ng Sta. Cruz, Hon. Ernesto P. Torreliza , Nakilahok ang Provincial Governor’s Office sa ilalim ni Governor Eduardo Gadiano,ang ating lokal na pamahalaan, ang inyong Lingkod Vice Mayor Edwin N. Mintu, at ang bawat Mayor at Vice Mayor ng Lokal na Pamahalaan sa Occidental Mindoro. Nakasama din natin ang kawani ng iba’t ibang ahensya at organisasyon sa Occidental Mindoro.
Ating alagaan at ingatan ang ating kalikasan. Magtanim ng mga halaman at puno sa ating paligid ay malaking tulong para sa ating lahat at sa inang kalikasan.
Matagumpay na naisagawa ng programa!
#batangsablayan


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office