
Ang Inyong Lingkod ay Naimbitahan upang maging Panauhing Pandangal
Ngayong araw dumating sa tanggapan ng ating Bise Alkade ang grupo ng Western Datu- Maharlikans.
Ang inyong lingkod ay naimbitahan upang maging panauhing pandangal sa gaganaping Chartering and Induction Ceremony ng samahan sa Hillside Resort, Magsaysay, Occ. Mindoro sa September 10, 2022.
Buong pusong pasasalamat ng Vice-Mayor Edwin N. Mintu para sa paanyaya ng grupong Agila at sa personal na pag imbita nila Eagle Alejandro M. Valdez, ang club presidente at Lady Eagle Mary Yole Apple Declaro-Ruedas, ang nagmungkahi at presidente ng Eagles Club Apo Reef Halcon Tamaraw Datu Mahalika Lady Eagles Club.
Maraming salamat sa inyong pagtitiwala. Mabuhay ang Agila!
#batangsablayan