“Ang paaralan ang nagsilbing playground ko noong ako ay bata pa lamang sapagkat ang aking ina ay isa ring guro. ” – SB Salvy Urieta-De Vera


“Ang paaralan ang nagsilbing playground ko noong ako ay bata pa lamang sapagkat ang aking ina ay isa ring guro. Kasama ang aking ama na siyang katuwang ng aking ina sa tuwing may pagawain sa paaralan ay naroon din ako kasama nila. Kaya naman ang inyo pong lingkod ay mulat sa ganitong mga gawain at ako po ay inyong katuwang at patuloy na magiging kasama sa pagtataguyod ng edukasyon sa bayan ng Sablayan”
-Hon. Salvy U. De Vera
Ito ang kanyang mapusong mensahe sa kanyang pagdalo sa kick-off activity ng Brigada Eskwela ng Prudencio L. Gadiano National High School sa Barangay Pag-asa.
Nagkaloob din siya ng disinfectant supplies na magagamit ng mga masisipag na guro bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan.
Naniniwala si Konsehala Salvy sa malaking papel ng bayanihan para sa paaralan sa pagkakaroon ng malinis, ligtas at kaaya-ayang pook-aralan.
Maraming salamat po sa pamunuan ng Prudencio L. Gadiano NHS sa pangunguna ng kanilang Principal II, Jocelyn Q. Jubilado at teaching personnel kasama ang mga kaagapay sa Barangay lalong higit sa mga magulang na silang pangunahing tagapagtaguyod ng paaralan.
Mabuhay po kayo!


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office