
Araw ng mga Katutubo – Hon. Bong Urieta
𝐀𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐞𝐫𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐩𝐨: Buong pusong nakiisa si 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐁𝐨𝐧𝐠 𝐕. 𝐔𝐫𝐢𝐞𝐭𝐚 sa isinagawang “Araw ng mga Katutubo” bilang bahagi ng pagdiriwang sa ika-120 Pagkakatatag ng Bayan ng Sablayan at pagkilala ng Pamahalaang Lokal, Enero 24, Brgy. San Agustin.
Ang nasabing gawain ay pinangunahan ng tanggapan ni Mayor Andres D. Dangeros sa tulong ng Indigenous People Affairs Office (IPAO) Sablayan.
Layunin ng programa ang na matugunan ang pangangailangang medikal ng ating mga katutubo. Dahil dito, nakipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan na ipamahagi na ang mga
Member Data Record (MDR) at ID’s para sa mga nabigyan ng serbisyo sa Philhealth Konsulta Caravan noong Oktubre 2021 sa naturang barangay. Ito ay isa sa mga mithiin ni Mayor Andy na ang bawat Sablayeño ay maging miyembro ng Philhealth at mabigyan ng suportang medikal sa tulong ng iba’t ibang lokal na institusyon.
#𝒂𝒕𝒚𝒐𝒖𝒓𝒔𝒆𝒓𝑽𝑰𝑪𝑬𝒑𝒐_𝑩𝒐𝒏𝒈𝑼𝒓𝒊𝒆𝒕𝒂
#𝑨𝒏𝒂𝒌𝑵𝒈𝑺𝒂𝒃𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑼𝒏𝒂𝑳𝒂𝒈𝒊𝑨𝒏𝒈𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑲𝒐𝒏𝒔𝒆𝑶𝒏𝒆