
At your serVICE po – Hon. Bong Urieta
At your serVICE po! 💚💪😍
Magpahanggang sa ngayon ay bitbit ko ang walang hanggang pasasalamat sa inyong mainit na suporta at pagmamahal simula noong umpisa, Sablayeños.
Bilang kapalit ng inyong tiwala, malugod ko pong ibinabahagi na ang aking tanggapan ay nakapag-akda ng 131 ORDINANCES at 79 RESOLUTIONS sa loob lang ng halos tatlong (3) taon. Marami sa mga ito ang sumasaklaw sa pagtugon sa mga sumusunod na usapin at pangangailangan ng ating mamamayan tulad ng:
✅ Health, Nutrition, and Sanitation;
✅ Safe and Clean Water Resources;
✅ Safe and Clean Energy Resources;
✅ Public Works;
✅ Public Infrastructure;
✅ Public Transportation; at
✅ Marami pang iba na may kinalaman sa pagsasaayos ng kalagayan at proseso ng maraming sektor at ilang indibidwal sa ating bayan.
💚💚💚
Hindi pa rito nagtatapos ang aking mga plano para sa inyo, Sablayeños. Nagsisimula pa lamang po tayo at ipagpapatuloy ko ang aking buong pusong serbisyo. Kaya naman samahan ninyo ako para sa ikasasakatuparan pa ng aking mga pangarap para sa ating minamahal na bayan:
*U*R* I *E *T* A
U-rgent legislation for “Post-COVID19 Better Normal” with special focus on education (Agarang pagpapanukala ng “Post-COVID 19 Better Normal” na may partikular na pagtugon sa edukasyon);
R-esilient local economy by restoring business confidence and creating more job opportunities (Isang matatag na lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga produktibong negosyo at paglilikha ng mas marami pang trabaho sa ating bayan);
I-mmediate attention on indigenous group’s welfare (Agarang atensyon sa mga pangangailangan ng katutubong grupo ng ating bayan);
E-xceptional and sustainable emergency disaster preparedness (Mas mabisa at tuloy-tuloy na paghahanda buhat sa mga mapaminsalang sakuna);
T-ransparent budgeting and expenditure (Malinaw at makatotohanang paggamit ng pondo ng bayan); at
A-ctive citizen and youth participation (Aktibong mamayan at partisipasyon ng kabataan).
💚💪😍
Asahan po ninyo na ang inyong Konsehal BONG URIETA ay laging maninindigan para sa kapakanan at sa ikauunlad ng ating minamahal na bayan.
#atyourserVICEpo_BongUrieta
#AnakNgSablayan
#UnaLagiAngBayan
#KonseOne