At your serVICE po – SB Bong Urieta

Noong nakaraang Huwebes ng umaga, nakasama ko si Mayor Andres D. Dangeros, Konsehal Greg Villar, at ilang piling opisyal upang maglagay ng pagkakakilanlan sa tricycle ng ilang mga miyembro ng Sto. Niño, Buenavista, and Poblacion Tricycle Operators Drivers Association o ang SABP TODA na nakahimpil sa LGU Municipal Compound. Ang Safe Trike Seal na aming idinikit sa mga pampasadang sasakyan ay para sa mga nakatanggap na ng Fully Vaccination kontra Covid-19.
Layunin ng programang ito na mas mahikayat ang iba pang mga manggagawa na nasa sektor ng pampublikong transportasyon maging ang mga mamamayan na magpabakuna upang mas maging ligtas ang lahat kontra Covid-19.
Photo Credit: Mayor Andy Dangeros FB Page
#atyourservicepo_bongurieta
#anakngsablayan
#unalagiangbayan
#konseone


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office