
“ATING KULTURA AY PAGYAMANIN AT INGATAN, MGA KATUTUBO NATIN AY PAHALAGAHAN”
“ATING KULTURA AY PAGYAMANIN AT INGATAN, MGA KATUTUBO NATIN AY PAHALAGAHAN”
Isang pagbati ang ipinaaabot ng inyong lingkod Marffin Bergonia-Tuscano Dulay sa lahat ng ating mga katutubo sa Bayan ng Sablayan, maging sa lalawigan sa Occidental Mindoro! Mabuhay po kayong lahat at kaisa nyo kami sa inyong mga hangarin at ipinaglalaban
Ang Buwan ng Oktubre ay itinalaga bilang Buwan ng Katutubong Pilipino sa bisa ng Proclamation No. 1906 s. 2009 na naglalayong pangalagaan at itaguyod ang mga pamanang kultural ng ating mga katutubo.
Sa kabila ng mga pagbabagong dulot ng globalisasyon, nananatili pa rin ang tradisyunal na pamumuhay ng ating mga katutubo sapagkat ang kanilang pananaw-mundo ay may kaugnayan sa pakikiisa sa kalikasan – ito ay makikita sa kanilang mga kaalaman, kasanayan, paniniwala sa buhay at kamatayan, gayundin sa kanilang mga epiko, tula, at kultura na naghahayag ng kasaysayan ng kanilang mga ninuno.
Sa kabila ng pagdiriwang sa kanilang kultura, tradisyon, at paniniwala, nararapat lamang na ating pagtuunan ng pansin ang mga suliranin at pang-aabusong kinakaharap ng ating mga katutubo. Ating pakinggan ang kanilang mga hinaing, manindigan kasama nila sa paglaban sa kanilang lupang ninuno at karapatan sa pagsasarili. Mabuhay po kayo!
#LabanParaSaMgaKatutubo
#IkawAkoTayoAngLakasNgBayan
#TaraSablayanIPushNatinAngMasayangBuhay
#PushDULAYParaSaMasayangBuhay