
Ayudang Pangkabuhayan
AYUDANG PANGKABUHAYAN, PATULOY
Ipinagkaloob ni VM Bong Marquez sa atas ni Gob. Ed Gadiano, kasama si PSWDO Staff Arnel Medico, Glory dela Cruz at Hazhel Doton ng PGO Sablayan ang tseke ng livelihood assistance para sa SAFIFASA mula sa barangay San Francisco na nakatanggap ng P50,000.
Nagawaran din ang pitong indibidwal ng tulong kabuhayan na inaasahang kahit papaano ay maitataas ang antas ng kabuhayan ng mga ito.
Malaking tulong ang halaga para maibsan ang kahirapang nararanasan ng mga benepisyaryo lalo na sa panahon ngayon ng pandemya at sa kagutumang nararanasan ngayon ng mga magsasaka at katutubo.
Tiniyak ni VM Bong na patuloy nilang isasabuhay ang mga pangakong pangkaunlaran para sa kapakanan ng mga mamamayan at lalo pang pag-iibayuhin ang mga ito tungo sa ganap na pangmatagalang biyaya at kaunlaran.