Skip to main content

BAGONG KALSADA SA BRGY. LAGNAS, IGINAWAD NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN


Patuloy ang pamahalaang panlalawigan sa paghahatid ng ganadong serbisyo sa ating mga kababayan, kaya naman sa inisyatibo ni Governor Ed Gadiano pinasinayaan ang bagong kalsada sa Brgy. Lagnas sa Bayan ng Sablayan.
Nagkaroon ng maikling programa kung saan nagbigay ng mga mensahe ang grupo ng Team Ganado Tayo sa pangunguna ni Governor Ed Gandiano, congressional aspirant Odie Tarriela, SBM/vice gubernatorial aspirant Diana Apigo-Tayag, kasama ang mga bokal aspirant Ryan Gadiano Sioson, Tita Fe Toreliza-Chua at ang inyo pong lingkod Obet Zubiri Dawates. Kasama din ang buong pwersa ng local slate sa pangunguna ni VM/mayoral aspirant Bong Bong Marquez at BM/vice mayoral aspirant Edwin Mintu.
Nagpapasalamat ang buong Team Ganado Tayo sa buong hanay ng mga kagawad sa pangunguna ni Brgy. Chairman Boni Paulino Jr. at sa lahat ng mga kababayan natin sa nasabing barangay sa suporta at pagmamahal ninyo.
Nawa’y ang bagong kalsada ay magsilbing bagong pag-asa at liwanag para sa ating lahat na patuloy na naghahangad ng tapat at ganadong serbisyo para sa Kanlurang Mindoro.
Obet Zubiri Dawates
#BOKALmagserbiyo
#OKsiOT
#SebisyongGanadoGadiano
#DATismyViceGov
#TeamGanadoTayo

« of 2 »

Official Website of Sablayan Legislative Office