Skip to main content

BARANGAY TANOD NG PAG-ASA, BINIGYAN NG FLASHLIGHT AT KAPOTE

Noong nakaraang araw, dumulog sa opisina ni Vice-Mayor Edwin N. Mintu ang mga Tanod na mula sa Barangay Pag-asa upang humiling ng kapote at flashlight. Agad namang inasikaso ang kanilang kahilingan upang may magamit na sila sa kanilang pagbabantay. Dalawampu’t limang (25) flashlight at kapote ang naipamahagi sa mga barangay Tanod.

Personal na tinanggap ng kanilang pangulo/hepe na agad namang nagpaabot nang labis-labis na pagpapasalamat.

“Patuloy po na magiging daan ang ating tanggapan upang maghatid ng kapaki-pakinabang na tulong sa ating mga kababayan.”

Official Website of Sablayan Legislative Office