Skip to main content

Basic Fire Fighting Training ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office


At your serVICE po:
Nakiisa si Konsehal Bong Urieta sa isinagawang tatlong (3) araw na Basic Fire Fighting Training ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Sablayan Sports Complex, Sto. Niño, Sablayan, November 3-5.
Ang naturang training na inorganisa ng tanggapan ng MDRRMO sa ilalim ng panunungkulan ni G. Arcris D. Canillo ay naglalayong madagdagan ang kamalayan at kaalaman ng mga MDRRMO personnel, BFP Volunteers, at Auxiliary Group ng Sitio Tabuk sa pagpuksa ng mapaminsalang sunog at pagsalba ng buhay ng mga biktima sa ganitong klaseng sakuna.
Sa talumpati ni Konsehal Urieta, pinasalamatan niya ang mga trainees sa buong pusong pakikiisa nito sa naturang bokasyon na handang tumulong sa mga mamamayan ng Sablayan sa oras ng sakuna.
Samantala, kasama rin sa mga dumalo sina Konsehal Greg Villar, Konsehal JB Dawates, at SFO1 Venus Garcia.
#atyourserVICEpo_BongUrieta
#AnakNgSablayan
#UnaLagiAngBayan
#KonseOne

Official Website of Sablayan Legislative Office