Skip to main content

BAYAN AY PAGLINGKURAN, GAMIT ANG KULTURA AT KASANAYAN


BAYAN AY PAGLINGKURAN, GAMIT ANG KULTURA AT KASANAYAN
Naging panauhing pandangal si Vice-Mayor Bong Marquez sa pagtatapos nang may 220 mga trainee ng Corrections Training School, Siburan Training Camp, Sablayan Prisons and Penal Farm, Oktubre 28, 2021 kasama sina PCapt Nathaniel D Faulve, SAF 10 Sab, 104th SAC, CSINSP Ariel E Kiat-Ong, Commandant, CBRC- STC at SPPF Superintendent Joel M Arnold sa Lakan Kali Graduation Ceremony ng Batch 08-2020 Class Nagasat bilang bahagi ng Corrections Basic Recruitment Course (CBRC).
Sabi ni VM Bong sa mga trainee, ipinamalas ng Bureau of Corrections na kumiling ito sa kultura at sining ng likas na Pilipino, imbes na mga banyagang martial arts ang kanilang sanayin ay pinili nito ang Lakan Kali o Kali na isang likas, katutubo at tradisyunal na sining ng pagtatanggol sa sarili at pandigma na mula pa sa ating mga ninuno. Ang Lakan Kali ay hindi lamang tungkol sa paggapi sa kaaway o sa mga sumasalakay, ito ay isa ring adbokasiya na dapat na palaganapin ng mga Pilipino.
Inaasahan ni VM Bong na sana, ang mga natutunan nila ay madala nila sa mas malaking larangan ng inyong gawain at atas at buhay. Sa paglilingkod at pagtatanggol sa kapwa at sa bayan. Hindi lamang daw ito tungkol sa pagiging pisikal na kahandaan, kasanayan o mga galaw, kundi ang pagiging alam natin kung kailan at kung bakit natin ito gagamitin.
Nagkaroon din ng mass demonstration ng Lakan Kali na nagpakita na kanila ngang natutunan ang nasabing taal na martial arts ng lahing Pilipino.
Matapos ang programa, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Sablayeñong trainee upang makipag-kumustahan kay VM Bong at nabigyan naman sila kaalaman hinggil sa maraming mga bagay na may kinalaman sa kanyang tanggapan at buong Sangguniang Bayan.
Sa 220 mga trainee, 35 dito ay pawang taga-Sablayan.

« of 4 »
Official Website of Sablayan Legislative Office