Skip to main content

Binhi para sa mga magsasaka ng Sitio Pandan, Brgy. Claudio Salgado na naapektuhan ang sakahan ng Habagat


Kahit nasa panahon ng pagdadalamhati si Mayor Andres D. Dangeros sa pagkawala ng kanyang nakakatandang kapatid ngayong araw (Agosto 17, 2021), nagpatuloy pa din siya sa pagsisilbi sa mamamayan upang personal na ipamahagi ang mga binhi na para sa mga magsasaka ng Sitio Pandan, Brgy. Claudio Salgado na naapektuhan ang sakahan ng Habagat dulot ng Bagyong Fabian.
Kasama sa pamamahagi si SB Member Bong V. Urieta, SB Member Obet Lim, MAO Elma Tamo, Bodjie Factor at mga empleyado ng Office of Municipal Agriculturist. Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga magsasaka na napagkalooban.

Official Website of Sablayan Legislative Office