
“Binisita namin kanina ni Mayor Andy Dangeros ang isinasagawang River Dredging sa Brgy. Buenavista” – Hon. Bong Urieta
𝐀𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐬𝐞𝐫𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐩𝐨: Binisita namin kanina ni Mayor Andy Dangeros ang isinasagawang River Dredging sa Brgy. Buenavista kasama sina Konsehal JB Dawates at Konsehal Greg Villar. Nakakatuwang isipin na sa pagkakataong ito ay nasimulan na ang panibagong proyektong alam naming mapakikinabangan at magsasalba sa pangamba ng maraming Sablayeño. Ilang dekada na rin nating problema ang matinding pagbaha dahilan para maapektuhan ang ating mga kabuhayan, tahanan, at ari-arian. Ang ating bayan partikular na ang sentro nito na may natural na daanan ng ilog ay lubhang napakadaling bahain at mapanganib. Ang river dredging ay ang isa sa pinakamalaking hakbang upang malutas na ang matagal na nating suliranin. At sa mga darating na sakuna, mas mababawasan na ang ating pangamba. Sa ating lahat ito, Sablayeños. 💟💪😍
🗒️Source: Official Facebook Page of Mayor Andy Dangeros
#𝒂𝒕𝒚𝒐𝒖𝒓𝒔𝒆𝒓𝑽𝑰𝑪𝑬𝒑𝒐_𝑩𝒐𝒏𝒈𝑼𝒓𝒊𝒆𝒕𝒂
#𝑨𝒏𝒂𝒌𝑵𝒈𝑺𝒂𝒃𝒍𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑼𝒏𝒂𝑳𝒂𝒈𝒊𝑨𝒏𝒈𝑩𝒂𝒚𝒂𝒏
#𝑲𝒐𝒏𝒔𝒆𝑶𝒏𝒆