Brigada Eskwela 2022

Isinagawa ngayong araw, August 12, 2022 ng Paaralan ng Sablayan National Comprehensive Highschool ang Brigada Eskwela 2022 na may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral” bilang paghahanda sa pagbubukas ng face to face classes ngayong taon.

Ang opisina ng Vice Mayor ay nakilahok sa nasabing programa bilang pagsuporta at pakikiisa sa paglalayon ng paaralan na mabigayan ng malinis at ligtas na eskwelahan ang mga mag-aaral. Itinakda ang pagbubukas at balik-eskwela ng mga mag-aaral sa susunod Lunes August 22, 2022. Dalangin ng ating Vice-Mayor Edwin N. Mintu ang kaligtasan ng bawat isa, ng ating mga kaguroan, mga magulang at higit sa lahat ang ating mga mag-aaral.

Pagpalain nawa tayo ng Maykapal

#BatangSablayan


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office