Brigada Eskwela Kick-off Ceremony

Sa pagbubukas ng face-to-face classes ako po ay naimbitahan at nakiisa ngayong araw sa isinagawang Brigada Eskwela Kick-off Ceremony sa Paaralan ng Sablayan National Comprehensive High School at Buenavista Elementary School na may temang “Tugon sa hamon ng ligtas na balik-aral”. Ang seremonyang ito ay sumisimbolo sa bayanihan ng bawat isa upang matiyak ang maayos at ligtas na paghahanda para sa muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa eskwelahan.

Bilang Chairperson ng Komiteyang Pang-Edukasyon ay sinisiguro at prayoridad po natin na matulungan at masuportahan ang bawat paaralan sa abot ng aking kakayanan upang mabigyan ng kalidad na Edukasyon ang mga estudyante ng ating bayan.

#kakalinga
#aagapay


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office