BAGONG SABLAYAN MUNICIPAL JAIL, PINASINAYAAN Written on June 2, 2021. BAGONG SABLAYAN MUNICIPAL JAIL, PINASINAYAANTuluyan nang binasbasan at pinasinayaan ang bagong tayong Sablayan Municipal Jail na itinatag sa pamamagitan ng kooperasyon sa pagitan ng Bureau of Jail Management (BJMP) at ng LGU-Sablayan, ika-19 ng Pebrero 2021. Ang pagbabasbas ay ginampanan ni Reb. Padre Ronald A. Panganiban, Kura-Paroko ng Parokya ni San Sebastian sa nasabing bayan.Kinatawan ni Vice-Mayor Walter “Bong” Marquez si Governor Eduardo B. Gadiano sa okasyon. Kasama sa mga nagpasinaya sina Mayor Andres D. Dangeros, Hon. Jeicqpoi N. Politico, Presiding Judge ng Municipal Trial Court (MTC) Sablayan, J/SSUPT Maria Irene A. Esquinas at J/SINP Bryan In Paul A. Ranada, Jail Provincial Administrator sa lalawigan ng Occidental Mindoro. Kabilang sa mga naging panauhin sina PMAJ Wilson B. Cuevo, OIC Sablayan MPS, CSINSP Jayferson G. Bon-As, SFO Nelson De Jesus, OIC Municipal Fire Marshall at iba pa.Kasama rin sa mga panauhin sina SB Obet Dawates, SB Greg Villar, SB JunJun Ventura, Financial Consultant Norberto Canillo at Engr. Admer Trillana. Si SB Kristofferson Urieta naman ang kumatawan kay Cong. Josephine Sato.Ang Sablayan Municipal Jail ay inumpisahan gawin noong Setyembre 2019 sa bisa ng isang usufruct agreement sa pagitan ng BJMP at ng LGU Sablayan na noon ay kinatawan pa ni Mayor Eduardo B. Gadiano na ngayon ay punong lalawigan na ng Occidental Mindoro. Natapos ang gusali noong August 2020 kahit sa kasagsagan ng pandemya.Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni VM Bong na ang pagkakaroon ng bagong gusaling piitan ng BJMP ay patunay na pagpapakita ng pagpapahalaga sa karapatang pantao. Kahit umano ang isang bilanggo, anuman ang dahilan ng kanyang pagkakulong ay hindi dapat pinagkakaitan ng makataong karapatan.Sa pagkakakulong, anuman ang kadahilanan, ay hindi nawawala ang dignidad at pagkatao ng tao. Ang pagkakaroon ng magandang pasilidad pang-piitan ay pagtatrato sa kanya bilang tao. Bahagi umano ito ng misyon at layon ng BJMP na paglingkuran nang maayos at tapat ang kanilang mga stakeholders, ang mga PDLs o persons deprived of liberty. PreviousNext