MALINIS AT MASAGANANG KARAGATAN NG SABLAYAN Written on June 2, 2021. MALINIS AT MASAGANANG KARAGATAN NG SABLAYANAktuwal na nasaksihan ng mga maka-kalikasang panauhin ng Tanggapan ng Panglawang Punong-Bayan na sina Rev. Father Edwin “Edu” A. Gariguez, Social Action Director, Rev. Fr. Cris G. Raymundo, Mangyan Mission in-charge sa Bikaryato Apostoliko ng Calapan at JonJon “Farmer Jon”, isang environmentalist ng Bayan ng Victoria sa Silangang Mindoro, kasama si Fr. Rolando “Rolly” D. Villanueva na Social Action Director ng Bikaryato Apostoliko ng San Jose ang pag-harvest ng sari-saring isda sa baklad sa Barangay San Nicolas, Sablayan, Occidental Mindoro, Pebrero 23, 2021.Ipinakita sa kanila ni Vice-Mayor Walter “Bong” B. Marquez ang aktuwal na panghuhuli ng mga malalaking isda na tanda at patunay ng masaganang karagatan ng Sablayan. Ang nasabing baklad ay pinamamahalaan ni Baklad Manager Tots Cudiamat. « ‹ of 2 › » PreviousNext