Skip to main content

PARANGAL SA KAGITINGAN

Naisulat na sa kasaysayan ng Bayan ng Sablayan ang pagtatagol ng tatlong magigiting na pulis na hindi isinuko ang kanilang himpilan noong ika- 16 ng Seytembre, 1987 mga dakong 1:40 ng madaling-araw nang ito ay tangkang pasukin ng mga rebeldeng New People Army (NPA) para kubkubing ang munisipyo at makuha ang mga armas sa himpilan.

Ang tatlong mga kagawad ng Integrated National Police (INP) na noon ay naka duty doon ay sina Senior Police Officer III/ Police Chief Master Sergeant Bienvenido D. Pacifico, Senior Police Inspector/Police Captain Revadilo P. Dapito at Police Officer/ Police Sergent Avelino G. Tendido Sr. Siya ay binigyan ng parangal ayon sa pagtalima sa rekomendasyon ni Police Lieutenant Col. Andres C. Terejero na siya hepe ng pulisya ng Sablayan.

Hindi isinuko ng tatlong magiting na lokal na pulis ang kanilang himpilan, bagkus ito ay kanilang ipinaglaban. Nabigong mapasok ng mga kaaway ang munisipyo at himpilan ng pulis matapos ang ilang oras ng palitan ng putok hanggang sa hindi kinaya ng mga rebelde na makapasok sa hanay ng tatlong magigiting na kapulisan.

Pinangunahan ni Vice-Mayor Walter “Bong” Marquez ang paggawad ng parangal sa tatlong pulis ang pinakamataas na parangal ng Lehislatibong Sangay Pambayan para sa kagitingang kanilang ipinamalas noong mga panahong ang bayang ito ay puspos pa ng takot at karahasan dulot ng mga armadong tunggalian sa pagitan ng iba’t-ibang mga armadong pangkatin sa lipunan. Kinatawan naman ng anak ni SPIPC Revadilo P. Dapito si PCPL Laurence Vincent B. Dapito at POPS Avelino G. Tendido Sr. anak nito na si PCMS Avelino G. Tendido Jr. para tanggapin ang award.

Naging matagumpay at napuno ng masasayang ala-ala sa nakaraan ang programa. Kasama sa nasabing programa na isinabay sa pagdiriwang ika-79th pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan ang mga konsehales at kawani ng Sangguniang Bayan at Tanggapan ng Pangalawang Punong Bayan ng Sablayan.
« of 2 »
Official Website of Sablayan Legislative Office