Skip to main content

PROGRAMANG KABUHAYAN SA SABLAYAN, NAGPAPATULOY

PROGRAMANG KABUHAYAN SA SABLAYAN, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy ang paggawad ng Programang Pangkabuhayan sa bayan ng Sablayan mula sa Pamahalaang Panlalawigan partikular sa Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO. Sa tatlong magkakahiwalay na mga lugar, sa pangunguna nina Vice-Mayor Walter “Bong” B. Marquez at Mr. Ryan Gadiano-Sioson, Executive Assistant ni Governor Eduardo B. Gadiano ang pamamahagi ng mga kinakailangan para sa proyekto sa mga lugar na kanilang pinuntahan, Pebrero 17, 2021.

Unang namahagi ng mga tseke sa Barangay Paetan para sa Samahan ng mga May Kapansanan ng Paetan. Humigi’t-kumulang sa 50 mga kasapi nito ang tinatayang mabibiyayaan ng proyektong ito ng samahan sa anyo ng pagmamanukan. Php 40,000 ang halaga ng initial capital na ipinamigay sa kanila.

Sa Gusaling Batasan naman ng Sablayan ay 20 mga indibidwal na kasapi ng Arellano Plantitas Association ang binigyan di ng tseke na nagkakahalaga ng Php 50, 000 para sa kanilang puhunan sa isang sari-sari store.

Sa Sitio Tabuk, Barangay Buenavista ay ginawaran din ng tseke na nagkakahalaga ng Php 50,000 para sa Parents’ Association of Tabuk para sa kanilang proyektong dishwashing liquid making na kung saan ay nagkaroon na sila ng kasanayan sa paggawa nito.

Kasama sa tatlong okasyong nabanggit sina Bokal Edwin N. Mintu, SB McKing Legaspi at JunJun Ventura. Kasama rin sina Consultant Fernando Dalangin at Administrative Assistant Clarinda A. Lorenzo ng PGO Sablayan.
« of 2 »
Official Website of Sablayan Legislative Office