Skip to main content

SEMINAR NG TODA, INILUNSAD NG CDA AT LBP

SEMINAR NG TODA, INILUNSAD NG CDA AT LBP

Matagumpay na nailunsad ng Land Bank of the Philippines (LBP) at ng Cooperative Development Authority (CDA) ang Pre-Registration Seminar (PRS) para sa mga opisyales at kasapi ng tricycle drivers and operators, gayundin ang Savings, Investment, and Capital Assistance for Teachers Cooperative (SICAT) kasama ang mga legislative staff sa bayan ng Sablayan, ika-16 ng Pebrero 2021. Ang pagsasanay ay inilunsad sa Gusaling Batasan sa Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro. Higit sa 60 mga indibidwal ang dumalo sa pagsasanay.

Ang pagsasanay ay inilunsad bilang bahagi ng atas ng tanggapan na sumubaybay at gumabay sa mga rehistradong civil society organizations sa mga barangay ng nasasakupan ng bayan. Ito ay isinagawa sa maigting na ugnayan sa pagitan ng LBP at ng CDA at ni Vice-Mayor Walter “Bong” B. Marquez. Ang mga nagbigay ng kanilang panayam ay sina LBP Account Officer Vicente G. Deladia at Department Manager Danilo D. Crobalde. Ang CDA naman ay kinatawan ni Reyzard D. Oliveros, MBA, CSP na siyang Provincial Development Specialist. Layong pagsasanay na agapayan ang mga samahan na umunlad sa tulong ng LBP bilang financial institution.

Ayon kay VM Bong, ang ginagampanang papel sa lipunan ng mga sektor na kanilang kinabibilangan ay hindi matatawaran. Sa pamamagitan ng seminar na ito, ang mga TODA na kabilang dito ay tuluyan nang magpapatala o magpaparehistro sa CDA at aalalayan ng LBP.
« of 2 »
Official Website of Sablayan Legislative Office