Skip to main content

Serbisyong Matibay Sa Mga Katutubong Pamayanan

Pinangunahan nina Vice-Mayor Bong B. Marquez, Sangguniang Bayan Mark Anthony O. Legaspi at IPMR Ruben C. Aldaba ang paglulunsad ng konsultahan, Supplementary Feeding Program at hatid- serbisyo sa mga katutubong pamayanan ng So. Bunga, Barangay Sta. Lucia, Sitio Turawan- ANCOP, Turawan- Happy Dream at Turawan- Iraya, Barangay San Francisco, Abril 20.

Hinikayat ng ating Kakampi na maging masipag ang mga katutubo. Nakapa-importante sa panahon ng pandemya ang sustinableng pagsasaka, pagtatanim ng mga gulay at pag-aalaga ng mga hayop para makaiwas sa gutom.

Ibinahagi naman ni Vice- Mayor Marquez ang mga pamamaraan para magtagumpay sa buhay. Malaking salik dito ang kultura ng pagkakaisa at pagtutulungan na likas sa mga katutubo. Natalakay din ang mga suliraning nagpapahirap sa mga katutubo at ang pag-aakda ng kaukulang polisiyang ukol dito.

Inisyal ding binalangkas ang Bahaynihan Project para maitayo ang bahay ng mga katutubo, paglalagay ng kuryente at multi- purpose drying pavement, pagtatayo ng Multi- Purpose Hall, programa sa kalusugan at kalinisan, edukasyon at kabuhayan.

Ipinamahagi rin sa mga bata ang mga tsinelas mula sa kagandahang loob ng isang anonymous donor kasama sina Julie Fe L. Robedillo, Jofe, R. Arranzado at Jhoanne R. Yabut.
« of 3 »
Official Website of Sablayan Legislative Office