Tulong sa Mahihirap na Pamilya, Ipinamahagi

Tulong sa Mahihirap na Pamilya, Ipinamahagi

Inisyal 155 indibidwal mahihirap na mamamayan ng Sablayan, Occidental Mindoro ang tumangap ng halagang P2,000 bawat isa ng tulong pinansyal mula sa “Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS)” ng Department of Social Welfare and Development sa inisyatiba ng Bagong Henerasyon Partylist at Kinatawan Bernadette “BH” Herrera- Dy.

Opisyal itong hiniling nina Gobernador Eduardo B. Gadiano at Bise Meyor Bong B. Marquez para makatulong sa krisis dulot ng pandemya. Pinangasiwaan nina Social Worker II Tiffany A. Billiones at Joan V. Anagao ang pamamahagi ng tulong at isinagawa sa Sablayan National Comprehensive High School Multi- Purpose Hall, Marso 29.

Pasasalamat sa BH Partylist, Department of Social Welfare and Development at kay Gobernador Gadiano ang ipinaabot ni VM Marquez. Anya, ang tulong na ito ay kapahayagan ng pagmamalasakit lalo na sa sektor na apektado ng COVID 19 at iba’t- ibang kalamidad.

Masaya din ang mga katutubo na tumanggap ng ayuda. Ayon kay Tacio Mandag ng Sityo Lagutay (Tagmaran Mangyan Taobuid Administrative Unit) Barangay Burgos na ang pagkakasama nila bilang benepisyaryo ng programa ay pag-ala- ala sa kanilang mga nakatira sa Indigenous Cultural Communities lalo sa panahong kailangan ang tulong ng pamahalaan.

Nakiisa at nagpahayag din ng suporta sina Executive Assistant Clarinda A. Lorenzo, Sangguniang Bayan Alfredo C. Ventura, Jr., IPMR Ruben C. Aldaba at PGO Consultant Fernando B. Dalangin.

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office