Ugnayan ng SSS sa Sablayan, Patuloy Written on June 2, 2021. Ugnayan ng SSS sa Sablayan, PatuloyDumalo ang may 30 mga opisyales ng tricycle drivers and operators association sa Sablayan, Occidental Mindoro na inilunsad ng Social Security System o SSS ang Membership and Orientation on Alkansya Program na ginanap sa Batasang Pambayan ng nasabing bayan, ika-16 ng Pebrero, 2021.Ang pagsasanay ay pinadaloy nina John Michael G. Gayo, Senior Analyst at Donald R. Pastores, Senior Member Service Representative. Sa oryentasyon, nabuksan ang pagkakataon para sa mga TODA na malinawan at ma-avail ang mga benepisyo ng SSS. Naging masigla at mabunga ang talakayan ukol sa panlipunang pagseseguro. Sinubaybayan rin ito ni Mr. Ronaldo A. Mugar, Administrative Assistant-II at hepe ng Tricycle Franchising and Regulatory Section ng Tanggapan ng Sangguniang Bayan at ni Konsehal McKing O. Legaspi. Ang pagsasanay ay sa tagubilin at atas ni Vice-Mayor Walter B. Marquez.Ang partnership endeavor na ito ay bunsod ng tungkuling atas ng batas na may kinalaman sa tricycle franchising and regulation na itinakda sa mga Sangguniang Bayan at Tanggapan ng mga Pangalawang Punong Bayan. PreviousNext