Congratulations and Good Luck sa inyo lalong lalo na sa mga Sablayeñong Nakapasa at Nanumpa

Para sa Pangarap 🇵🇭
Sa Lunes, muling magsasama-sama ang humigit-kumulang 1,500 trainees na ito para manumpa bago ang kanilang nakatakdang pagsasanay tungo sa pagiging opisyal na miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG).
Karamihan sa kanila ay ilang taon umasa, naghintay, at naniwala na darating ang panahon na maisasakatuparan ang kanilang pangarap para sa sarili, sa pamilya, at sa bayan.
Sa Lunes, manunumpa ang mga kababaihan at kalalakihang ito — na gagamitin ang kanilang kakayahan at pagbubutihin ang kanilang mga sarili para makapaglingkod sa sambayanang Pilipino.
Dalangin namin ang inyong katagumpayan sa mga hamong paparating! Tatag ng loob, tibay ng isip, at lalim ng pananampalataya ang iyong magiging puhunan sa oportunidad na ito.
Kayang-kaya niyo ‘yan!
[Photos by CG SN2 MP Malnegro / CGPA]
#DOTrPH 🇵🇭
#CoastGuardPH

« of 2 »

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office