
DALAWANG PAYAO, PINASINAYAAN SA SITIO APLAYA – Hon. Bong Marquez
DALAWANG PAYAO, PINASINAYAAN SA SITIO APLAYA
Inanyayahan ng mga grupo ng mga mangingisda sina Vice-Mayor Bong Marquez at SB Aspirant Nanding Dalangin sa pagpapasinaya ang pagbabasbas ng dalawang payao na gagamitin para sa kanilang panghuhuli ng isda, ika-6 ng Enero 2022. Ang gawain ay inilunsad sa So. Aplaya, Brgy. Burgos, Sablayan, Occidental Mindoro.
Nakatanggap ng halagang Php 50,000.00 mula sa DSWD sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Governor’s Office (PGO) – PSWDO at ng Tanggapan ni VM Bong. Ang mga mangingisda na natulungan ng proyekto ay mula sa Zone-1A Legitimate Fisheries Association na pinamunuan ni G. Bernard Buruanga. Binigyang habilin nina VM Bong at SB Aspirant Nanding ang mga mangingisda na magsikhay sa kanilang paghahanap-buhay at pahalagahan ang mga tulong na ganito ng pamahalaan. Ayon kay VM Bong, mahalagang matamasa ng bayan ng Sablayan ang pagbibigay ng patuloy naa pansin sa industriya ng pangisdaan bilang mahalagang bahagi ng progreso ng bayan na dapat na lalo pang pag-ibayuhin. Mahalagang bahagi din umano dito ang pangangalagan ang mga yaman ng mga baybayin at kalikasan.
Ang Sitio Aplaya ay baybaying pamayanan ng maraming mga mangingisdang walang gaanong pinagkakakitaaan maliban dito at sa pag-aarawan sa bukid.
Labis namang pinasalamatan ni Chairman Buruanga si Gov. Ed Gadiano sa nasabing kagamitang ipinagkaloob sa kanila. Ipinaabot din nito kay VM Bong ang buong pusong pasasalamat at nangakong susuklian nila ito sa malapit na hinaharap para patuloy na pangangalagaan ang proyekto.