Skip to main content

December 9-13 2021 | Looc & Lubang Occidental Mindoro


Marami pong Salamat sa maiinit na pagtanggap at pananabik na makasama ang Team Ganado Tayo
Para sa patuloy na pagbibigay ng Serbisyong Ganado, bumisita ang Team Ganado Tayo at naghatid ng iba’t-ibang serbisyo at tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan, gayundin ang personal na makamusta sa ating mga ka-Lalawigan sa bayan ng Looc at Lubang.
Pinangunahan po ito ng ating Governor Ed Gadiano ang paghahatid ng tulong edukasyon, pamamahagi ng Honorarium sa ating mga Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS) bilang pagkilala at pasasalamat sa kanilang dedikasyon sa serbisyo lalo na sa panahon ng pandemya, Milestone Incentives para sa ating mga senior citizens, Livelihood Assistance bilang hatid na tulong para sa mga kababayan nating mangingisda at magsasaka, pagpapatuloy ng bakuna kontra COVID 19 at marami pang iba.
Kasama ang buong pwersa ng Team Ganado Tayo Congressman aspirant Leody “Odie” Tarriela, Governor Ed Gadiano, Vice Governor aspirant/Senior Board Member Diana Apigo-Tayag at mga Board Member aspirant Obet Zubiri Dawates , Ryan Gadiano Sioson, Eddie Mangyan Masangkay, Gilbert Tria at Tita Fe Torreliza Chua.
Marami pong salamat sa pamunuan ng bayan ng Looc at Lubang. Kasama ang mga barangay officials at ang mga lider sa Isla at gayundin sa ating mga kababayan. Asahan niyo po ang muli naming pagbalik para sa tuloy tuloy na pagbibigay ng serbisyo sa ating mga kababayan.
Obet Zubiri Dawates
#BokalMagserbisyo
#SerbisyongGanado
Source: Governor Ed Gadiano Occidental Mindoro

« of 4 »
Official Website of Sablayan Legislative Office