Skip to main content

DOLE TUPAD, UMARANGKADA NA

Sa paggunita sa kapistahan ng Barangay Buenavista sa Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro, naging hudyat ito sa pagsisimula ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD ng Department of Labor and Employment (DOE) sa nasabing bayan.
Sa kahilingan ng mga senior citizens doon, nalinis ang mga pangunahing lansangan at pook na itinuring na paghahanda na rin sa kanilang kapistahan.
Dalawang-daan at walumpu’t limang mga TUPAD worker ang naitala mula sa Brgy. Sta Lucia, Buenavista at sa Brgy. Sto. Niño na sasabak sa gawain mula Disyembre 1 hanggang 10 at Disyembre 6-15, 2021.
Ang porgrama ay katulad ng dati, ay inisyatiba ng A Teacher Party List, Provincial Government Office (PGO) at Office of the Vice-Mayor ng Sablayan.

« of 2 »
Official Website of Sablayan Legislative Office