DORMITORYO AT TABLETS HANDOG SA INAWA PANAYNEP ES


Kinumpirma ni April P. Castillo, Executive Director, Sorok Uni Foundation, Inc. ang pag- aproba sa Resolution No. 2020-SDM067 na akda ni Bise- Meyor Bong B. Marquez na humihiling ng dormitoryo para sa mga katutubo mula Sityo ng Kimali, Tanguben, Kabinga, Monding, Danginan, Kibanrok, Sibakoy at Kayakak ng Barangay San Agustin at mag-aaral ng Inawa Panaynep Elementary School, Hulyo 22.
Natupad na Pangarap ang ibig sabihin ng Inawa Panaynep at ang proyekto ay tunay na katuparan ng pangarap ng mga katutubo sa pakikipagtulungan ng Korea International Cooperation Agency (KOICA), Human Asia, Pamahalaang Panlalawigan ng Occidental Mindoro at Gobernador Eduardo B. Gadiano, Tanggapan ni Bise- Meyor Bong B. Marquez, Pamahalaang Pambarangay ng San Agustin, Kagawaran ng Edukasyon, Technical Education and Skills and Development Authority at iba pang stakeholders.
Malaking tulong ang proyekto lalo na’t mga katutubo mula sa mga nabanggit ng pamayanan ay naglalakad ng 4 na oras araw- araw makapag-aral lamang.
Ipagkakaloob din ng KOICA, Human Asia and Sorok Uni Foundation ang mga tablets para grade 6 ng Inawa Panaynep ES bilang bahagi ng digital education and humanitarian program. Pilot project lamang ito, asahan ang mga kasunod pa dahil sa magandang ugnayan nito sa mga stakeholders. Ang PCI Tech Innovations Inc. ang nasilbing service provider ng nasabing mga tablet.
Kinumpirma ito nina Co- Founder Sergio O. Ramos III at Communications Officer Rizza Mae O. Divinagracia sa pulong konsultahan kasama sina Gobernador Ed Gadiano, Bise- Meyor Bong B. Marquez, Sangguniang Bayan Alfredo C. Ventura, Jr., Robert Z. Dawates, Mark Anthony O. Legaspi, Marffin B. Dulay at PGO Consultants Fernando B. Dalangin at Conchita H. Dimaculangan kamakailan lamang.
Ayon kay School Head Elmer A. Advincula at Project Coordinator Hector Abon, lubos ang kanilang pasasalamat at tiyak na mag-iibayo ang programa sa edukasyon para sa mga katutubo.
Kinilala ng Sangguniang Bayan ng Sablayan ang Sorok Uni Foundation, Inc. at PCI Innovations Tech Inc. dahil sa education and humanitarian work na ito.


© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office