
Eksaktong tatlong (3) taon sa kaparehas na buwan na ito noong kauna-unahang pag-upo ko bilang konsehal ng bayan ng Sablayan
𝐄𝐤𝐬𝐚𝐤𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠 (𝟑) 𝐭𝐚𝐨𝐧 sa kaparehas na buwan na ito noong 𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚-𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐮𝐩𝐨 𝐤𝐨 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐛𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧. Wala pa noon sa plano ang biglaang pagluklok sa akin sapagkat ito ay dahil sa pagpanaw ng aking mahal na ama na si 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐅𝐞𝐥𝐢𝐩𝐞 𝐁𝐮𝐧𝐝𝐚𝐧𝐠 𝐔𝐫𝐢𝐞𝐭𝐚. Marahil ay alam ng marami na ako ay humalili lamang sa nabakante nitong posisyon.
𝐈𝐧𝐢𝐰𝐚𝐧 𝐤𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐡𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐛𝐚𝐡𝐨 sa Dubai, United Arab Emirates (UAE) bilang dating Flight Medic sa Airwing Division ng Dubai Corporation for Ambulance Services sa loob ng labintatlong (13) taon 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐚𝐭 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐦𝐚.
Sa totoo lang, 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐤𝐨 𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐮𝐫𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐛𝐥𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐨𝐨𝐧 𝐩𝐚. Hindi nga lang nangyari ang lahat sa masayang panimula at naayon sa plano ko, ngunit 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐚𝐲𝐨𝐬 𝐧𝐚 𝐬𝐞𝐫𝐛𝐢𝐬𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐦𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠-𝐮𝐝𝐲𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐲𝐚𝐤𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐥𝐢𝐧𝐠𝐤𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐤𝐨.
Nakita ng aking mga mata ang tunay na mga kakulangang kailangan kong tugunan bilang konsehal. Kaya naman 𝐭𝐚𝐨𝐧𝐠 𝟐𝟎𝟏𝟗 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐨 𝐚𝐲 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐦𝐚𝐤𝐛𝐨 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐫𝐞𝐡𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐩𝐨𝐬𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧. Dahil na rin siguro sa pagpapadama ko ng aking malinis na intensyon at pagpapakita ng maayos trabaho, ako ay nagwagi. Ngunit hindi lamang ako basta nagwagi, mas hinigitan pa ninyo ang aking pangarap na manalo. Sa katunayan, 𝐚𝐤𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐤𝐚𝐛𝐮𝐮𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐨𝐭𝐨 𝐧𝐚 𝟏𝟓,𝟗𝟎𝟐. Hanggang sa ngayon ay bitbit ko ang walang hanggang pasasalamat sa inyong mainit na suporta simula noong umpisa.
𝐁𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐰𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚, malugod ko pong ibinabahagi na 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐩𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐤𝐝𝐚 ng 𝟏𝟑𝟏 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄𝐒 at 𝟕𝟗 𝐑𝐄𝐒𝐎𝐋𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒 sa loob lang ng halos tatlong (3) taon. Marami sa mga ito ang sumasaklaw sa pagtugon sa mga sumusunod na 𝐮𝐬𝐚𝐩𝐢𝐧 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧 tulad ng:
✔️ 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡, 𝐍𝐮𝐭𝐫𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐚𝐧𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧;
✔️ 𝐒𝐚𝐟𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧 𝐖𝐚𝐭𝐞𝐫 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞𝐬;
✔️ 𝐒𝐚𝐟𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐠𝐲 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞𝐬;
✔️ 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐖𝐨𝐫𝐤𝐬;
✔️ 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐈𝐧𝐟𝐫𝐚𝐬𝐭𝐫𝐮𝐜𝐭𝐮𝐫𝐞; 𝐚𝐭
✔️ 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧.
Hindi pa rito nagtatapos ang aking mga plano para sa inyo, Sablayeños. Nagsisimula pa lamang po tayo at ipagpapatuloy ko ang aking serbisyo.
At nito ngang nakaraang linggo, 𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐥 𝐚𝐭 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐩𝐨 𝐚𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠𝐝𝐞𝐤𝐥𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚 𝐥𝐚𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐩𝐨𝐬𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 — 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐕𝐈𝐂𝐄 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧. Alam ko pong mas mabigat na gampanin ang aking papasanin. Ngunit ang pangarap ko, kaisa ng aking yumaong ama, at ang pangarap para sa mas maayos na kinabukasan ng Sablayeños, ang 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧-𝐭𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐤𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐠𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐢𝐭𝐨.
𝐒𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐩𝐨 𝐧𝐢𝐧𝐲𝐨 𝐚𝐤𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚𝐭𝐮𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐩𝐚 𝐧𝐠 𝐚𝐤𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐨 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧:
𝐔-rgent legislation for “Post-COVID19 Better Normal” with special focus on education (𝐴𝑔𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑝𝑎𝑝𝑎𝑛𝑢𝑘𝑎𝑙𝑎 𝑛𝑔 “𝑃𝑜𝑠𝑡-𝐶𝑂𝑉𝐼𝐷 19 𝐵𝑒𝑡𝑡𝑒𝑟 𝑁𝑜𝑟𝑚𝑎𝑙” 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑟𝑡𝑖𝑘𝑢𝑙𝑎𝑟 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑡𝑢𝑔𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑒𝑑𝑢𝑘𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛);
𝐑-esilient economy by restoring business confidence and creating more job opportunities (𝐼𝑠𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔 𝑛𝑎 𝑒𝑘𝑜𝑛𝑜𝑚𝑖𝑦𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑠𝑎𝑠𝑎𝑏𝑢ℎ𝑎𝑦 𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑟𝑜𝑑𝑢𝑘𝑡𝑖𝑏𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑒𝑔𝑜𝑠𝑦𝑜 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑔𝑙𝑖𝑙𝑖𝑘ℎ𝑎 𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑠 𝑚𝑎𝑟𝑎𝑚𝑖 𝑝𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑟𝑎𝑏𝑎ℎ𝑜);
𝐈-mmediate attention on indigenous group’s welfare (𝐴𝑔𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑒𝑛𝑠𝑦𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛𝑔𝑎𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑡𝑢𝑡𝑢𝑏𝑜𝑛𝑔 𝑔𝑟𝑢𝑝𝑜 𝑛𝑔 𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛);
𝐄-xceptional and sustainable emergency disaster preparedness (𝑀𝑎𝑠 𝑚𝑎𝑏𝑖𝑠𝑎 𝑎𝑡 𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦-𝑡𝑢𝑙𝑜𝑦 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑔ℎ𝑎ℎ𝑎𝑛𝑑𝑎 𝑏𝑢ℎ𝑎𝑡 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑚𝑖𝑛𝑠𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎𝑘𝑢𝑛𝑎);
𝐓-ransparent budgeting and expenditure (𝑀𝑎𝑙𝑖𝑛𝑎𝑤 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑘𝑎𝑡𝑜𝑡𝑜ℎ𝑎𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑔𝑔𝑎𝑚𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑝𝑜𝑛𝑑𝑜 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑦𝑎𝑛); at
𝐀-ctive citizen and youth participation (𝐴𝑘𝑡𝑖𝑏𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑚𝑎𝑦𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝑝𝑎𝑟𝑡𝑖𝑠𝑖𝑝𝑎𝑠𝑦𝑜𝑛 𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑏𝑎𝑡𝑎𝑎𝑛).
♥️♥️♥️
𝐀𝐬𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐩𝐨 𝐧𝐢𝐧𝐲𝐨 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐨𝐧𝐬𝐞𝐡𝐚𝐥 𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐔𝐑𝐈𝐄𝐓𝐀 𝐚𝐲 𝐥𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐤𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐢𝐤𝐚𝐮𝐮𝐧𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐢𝐧𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧.
Muli, maraming-maraming salamat po at 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐚𝐢𝐧 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐠 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐦𝐢𝐤𝐡𝐚!
#atyourserVICEpo_BongUrieta
#AnakNgSablayan
#UnaLagiAngBayan