Skip to main content

ELCAC CARAVAN SA BORDER COMMUNITY, INILUNSAD


Nakiisa ang Office of the Vice-Mayor sa pangunguna ni Vice-Mayor Bong B. Marquez sa inilunsad na Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict o PTF-ELCAC ang Serbisyo Caravan sa hangganan at pinakamalayong katutubong pamayanan ng munisipalidad. Ito ay ang So. Tulaleng sa Brgy. Pag-asa, Sablayan, Occidental Mindoro, Hunyo 16 hanggang 18, 2021. Ang Tulaleng ay maaabot lamang sa pamamagitan ng pagbagtas sa bulu-bunduking bahagi ng Victoria, Oriental Mindoro at sa mga ilog na tumatagos sa pamayanan.
Ang PTF-ELCAC Caravan ay convergence ng mga ahensya ng gobyerno na layong magbigay ng serbisyo lalo na sa mga malalayong pamanayan ng mga katutubong Mangyan na nagmimithing itigil ang armadong pakikibaka ng mga komunista. Bahagi rin ng PTF-ELCAC ay ang babad-malay o immersion a mga kapatid na katutubo na binibigyang puwang at umaayon sa kanilang kultura upang mas makita ang kalagayan ng komunidad.
Ang caravan ay pinamunuan ni PTF ELCAC Focal Person Manuel P. Tadeo na kumatawan kay Governor Eduardo B. Gadiano bilang Provincial Chairperson ng nasabing Task Force. Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Tadeo na malaki ang papel ng mga katutubong pamayanan sa pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa buong lalawigan.
Ang Department of Social Welfare and Development ay gumampan din ng kanilang bahagi sa pamamagitan ng pagtatala sa mga mamamayang katutubo sa programa nilang Food for Work, 4Ps, habang namamahagi ng mga relief goods na ikinasiya naman ng mga katutubo. Sa panig naman ng Department of Education, tiniyak ni PSDS Marilyn S. Pille ang paglalagay ng dalawang permanenteng teacher na magtuturo sa mga mag-aaral ng So. Tulaleng na itatalaga doon sa panahon na magkaroon ng face-to-face classes sa katauhan nina Edilberto H. Poblete III at Rom Jensen J. Espera.
Ang mga opisyal ng pulis at sundalo na nakilahok sa caravan at nakidama sa kalalagayan ng mga Mangyan ay sina 2LT April Aguaviva ng Philippine Army, PCOL Hordan T Pacatiw ng Philippine National Police at Ms. Claire Anne F. Fortu ng DILG. Ang mga kinatawan naman ng Department of Agriculture ay namigay ng tatlong water pump. Nagbigay din ng mga buto ng gulay ang ATI habang nag-commit ng Upland Natural Farming na nagkakahalaga ng 150k ang nasabing tanggapan.
Ginampanan naman ni DPWH Engr. Regiefort P. Mopia ang ocular inspection para sa pagtatayo ng kahilingang school building sa lugar. Nagkaloob naman ang Philippine Coconut Authority ng 1000 piraso ng binhing niyog. Ang Bureau of Fire Protection kasama ang PDRRMO ay nagturo ng first aide at pagsasanay sa panahon ng kalamidad at sakuna.
Sa pangunguna ni Executive Assistant Ryan Gadiano-Sioson ang pagkakabit ng 300 metro ng hose para sa inuming tubig, pagbigay ng 60K para sa kabuhayang sari-sari store mula sa PSWDO, pagpapatayo ng palikuran, mga gamot at bitamina, ilang binhi ng pananim na prutas at generator.
Ang Office of the Vice-Mayor ay naglunsad din ng Border Community Service Convoy na isa sa mga estretehiya ng Sangguniang Bayan para makapagsagawa ng konsultahang nayon para makapag balangkas ng mga polisiyang pambayan at mga kailangang resolusyon.
Dagdag pa ang pagkakaloob ng dalawang kalabaw, pagkain pagbibigay ng tsinelas, pagsasagawa ng reading camp, pagpapalaro at film showing at iba pang kailangan sa kaunlaran ng katutubong pamayanan.
Ayon kay VM Bong Marquez, isa sa mga maituturing ng most neglected communities ang So. Tulaleng sa bayan ng Sablayan. Kung hindi nila maramdaman ang serbisyo ng gobyerno ay maaring mahimok sila maging mga rebelde. Naniniwala siya na kung nasaan ang tao ay dapat nandoon din ang gobyerno.
Nakiisa rin sa caravan at babad-malay sina Board Member Edwin N. Mintu, IP Rep. Ruben Aldaba, Punong Barangay Rodel Sioson na nanguna rin sa bawat gawain at mga gawain sa loob ng dalawang araw na aktibidad sa pinaka-dulong sityo ng Sablayan.

ELCAC CARAVAN SA BORDER COMMUNITY, INILUNSAD

Nakiisa ang Office of the Vice-Mayor sa pangunguna ni Vice-Mayor Bong B. Marquez sa inilunsad na Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict o PTF-ELCAC ang Serbisyo Caravan sa hangganan at pinakamalayong katutubong pamayanan ng munisipalidad. Ito ay ang So. Tulaleng sa Brgy. Pag-asa, Sablayan, Occidental Mindoro, Hunyo 16 hanggang 18, 2021. Ang Tulaleng ay maaabot lamang sa pamamagitan ng pagbagtas sa bulu-bunduking bahagi ng Victoria, Oriental Mindoro at sa mga ilog na tumatagos sa pamayanan.

Ang PTF-ELCAC Caravan ay convergence ng mga ahensya ng gobyerno na layong magbigay ng serbisyo lalo na sa mga malalayong pamanayan ng mga katutubong Mangyan na nagmimithing itigil ang armadong pakikibaka ng mga komunista. Bahagi rin ng PTF-ELCAC ay ang babad-malay o immersion a mga kapatid na katutubo na binibigyang puwang at umaayon sa kanilang kultura upang mas makita ang kalagayan ng komunidad.

Ang caravan ay pinamunuan ni PTF ELCAC Focal Person Manuel P. Tadeo na kumatawan kay Governor Eduardo B. Gadiano bilang Provincial Chairperson ng nasabing Task Force. Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Tadeo na malaki ang papel ng mga katutubong pamayanan sa pagkakaroon ng ganap na kapayapaan sa buong lalawigan.

Ang Department of Social Welfare and Development ay gumampan din ng kanilang bahagi sa pamamagitan ng pagtatala sa mga mamamayang katutubo sa programa nilang Food for Work, 4Ps, habang namamahagi ng mga relief goods na ikinasiya naman ng mga katutubo. Sa panig naman ng Department of Education, tiniyak ni PSDS Marilyn S. Pille ang paglalagay ng dalawang permanenteng teacher na magtuturo sa mga mag-aaral ng So. Tulaleng na itatalaga doon sa panahon na magkaroon ng face-to-face classes sa katauhan nina Edilberto H. Poblete III at Rom Jensen J. Espera.Ang mga opisyal ng pulis at sundalo na nakilahok sa caravan at nakidama sa kalalagayan ng mga Mangyan ay sina 2LT April Aguaviva ng Philippine Army, PCOL Hordan T Pacatiw ng Philippine National Police at Ms. Claire Anne F. Fortu ng DILG. Ang mga kinatawan naman ng Department of Agriculture ay namigay ng tatlong water pump. Nagbigay din ng mga buto ng gulay ang ATI habang nag-commit ng Upland Natural Farming na nagkakahalaga ng 150k ang nasabing tanggapan.

Ginampanan naman ni DPWH Engr. Regiefort P. Mopia ang ocular inspection para sa pagtatayo ng kahilingang school building sa lugar. Nagkaloob naman ang Philippine Coconut Authority ng 1000 piraso ng binhing niyog. Ang Bureau of Fire Protection kasama ang PDRRMO ay nagturo ng first aide at pagsasanay sa panahon ng kalamidad at sakuna.Sa pangunguna ni Executive Assistant Ryan Gadiano-Sioson ang pagkakabit ng 300 metro ng hose para sa inuming tubig, pagbigay ng 60K para sa kabuhayang sari-sari store mula sa PSWDO, pagpapatayo ng palikuran, mga gamot at bitamina, ilang binhi ng pananim na prutas at generator.

Ang Office of the Vice-Mayor ay naglunsad din ng Border Community Service Convoy na isa sa mga estretehiya ng Sangguniang Bayan para makapagsagawa ng konsultahang nayon para makapag balangkas ng mga polisiyang pambayan at mga kailangang resolusyon.

Dagdag pa ang pagkakaloob ng dalawang kalabaw, pagkain pagbibigay ng tsinelas, pagsasagawa ng reading camp, pagpapalaro at film showing at iba pang kailangan sa kaunlaran ng katutubong pamayanan.

Ayon kay VM Bong Marquez, isa sa mga maituturing ng most neglected communities ang So. Tulaleng sa bayan ng Sablayan. Kung hindi nila maramdaman ang serbisyo ng gobyerno ay maaring mahimok sila maging mga rebelde. Naniniwala siya na kung nasaan ang tao ay dapat nandoon din ang gobyerno.

Nakiisa rin sa caravan at babad-malay sina Board Member Edwin N. Mintu, IP Rep. Ruben Aldaba, Punong Barangay Rodel Sioson na nanguna rin sa bawat gawain at mga gawain sa loob ng dalawang araw na aktibidad sa pinaka-dulong sityo ng Sablayan.
« of 6 »
Official Website of Sablayan Legislative Office