Skip to main content

Expansion Of Level II – Water Supply System Blessing And Inauguration – Barangay Pag-Asa

“EXPANSION OF LEVEL II – WATER SUPPLY SYSTEM BLESSING AND INAUGURATION – BARANGAY PAG-ASA”
Pinangunahan ni Pastor Edmun Inchanco sa isang panalangin at pagbabasbas sa Potable Water System na itinayo sa Barangay Pag-asa, Sablayan ngayong araw, Pebrero 09, 2022.
Dumalo si Mayor Andres D. Dangeros para sa inagurasyon kasama sina At your SerVICE SB Member Bong V. Urieta, SB Member Greg Villar, SB Member JB Ani-Dawates, SB Member Obet Lim, Former SB Member Che Quiatchon, LGU North Municipal Extension Admin Cesar Bicera, Exec. Assistsant III Norberto Canillo, OIC Municipal Engineer Admer Trillana, ABC President Fernando Baliao Jr., Barangay Pag-asa Admin Emphil Emperador na kumatawan naman sa Punong Barangay Rodel Sioson.
Sa maikling programa isinagawa, ipinaliwanag ni Mayor Andy na ang pondo na pinanggalingan nito ay mula sa Local Government Support Fund – Sagana at Ligtas na Tubig Para sa Lahat (LGSF- SALINTUBIG) ng DILG at katuwang ang Pamahalaang Lokal at Tanggapan ng Punong Bayan upang maipatupad ito at isa sa mapalad ang Barangay Pag-asa upang dito ipagkaloob ang pondo dahil batid niya ang hirap ng tubig na pinagkukunan lalo na sa panahon ng tag-araw.
Sa ngayon ang nasabing Potable Water System ay nagagamit na ng mga mamamayan ng ilang Purok doon.

Official Website of Sablayan Legislative Office