Skip to main content

FOR THE INFORMATION OF ALL SABLAYEÑOS


BASAHIN:
Sa naganap na masusing pagpupulong ng Provincial Inter Agency Task Force, alinsunod pa rin sa mga polisiya ng Pambansang Pamahalaan, napagdesisyunan po natin ang tuluyang pag-alis ng Negative RT-PCR Test Result bilang requirement para sa mga papasok at lalabas sa ating Lalawigan na mayroon nang kumpletong bakuna (Fully-vaccinated individuals).
Sa mga nakaraang buwan, tayo po ay naghigpit sa mga nasabing polisiya sanhi ng nakababahalang patuloy na pagtaas ng active cases sa buong Lalawigan, gayundin ang pagtaas ng COVID-19 Delta variant cases sa bansa.
Gayunpaman, nais kong magpasalamat sa inyong patuloy na pang-unawa sa hirap ng ating kinakaharap na sitwasyon ngayon sanhi ng pandemya.
Kahapon ay nilagdaan ko ang Executive Order 7-E, Series of 2021 para sa mga bagong gabay sa mga papasok at lalabas ng Occidental Mindoro epektibo simula ngayong araw October 22, 2021.
Isang ligtas at mapayapang pagbyahe po sa ating lahat!
Maraming salamat po.
#SerbisyongGanado

Official Website of Sablayan Legislative Office