
FREE DRIVING COURSE PARA SA MGA MANGYAN, UMUSAD NA
Umusad na ang libreng pagsasanay sa Theoretical Driving Course (TDC) ng mga Mangyan para makakuha ng drivers’ license mula sa Land Transportation Office (LTO) sa Abad-Norella Driving School na matatagpuan sa Arellano St. cor. H. Daño St. sa Brgy. Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro, ika-13 ng Hulyo, 2021.
Matatandaan na iniakda ni Vice-Mayor Walter “Bong” Marquez na inisponsor nina IPMR Ruben C. Aldaba at mga SB na sina Mark Anthony O. Legaspi at Robert Z. Dawates ang isang resolusyon na humihiling sa Abad-Norella Center for Skills Inc. na pahintulutang kumuha ng libreng pag-aaral ang mga katutubo para magkaroon ng driver’s license. Kaagad namang tumugon ang Abad-Norella Driving School sa pamamagitan ng isang liham ni Mr. Jose A. Norella Jr. na Center Administrator nito.
Labing isang mga Alangan Mangyan ang sumailalim sa programa bilang bahagi ng corporate social responsibility ng nasabing skills center. Ang kahilingan ng mga katutubo kay VM Bong ay bunga ng bagong polisiya ng LTO na ang mga pagsasanay na ito ay maging pangunahing rekisitos sa pagkuha ng lisensya mula sa LTO.