Skip to main content

Gabi ng Parangal

Gabi ng Parangal, isinagawa!
Kagabi isinagawa ang Gabi ng Parangal ng mga Guro sa Sablayan Central School kaalinsabay ng pagdiriwang ng kanilang Teacher’s Month.
Bilang dating Guro at ngayon ay Chairperson ng Kometiba ng Edukasyon mataas ang aking pagkilala at pagsaludo sa ating mga Kaguruan dahil alam naman natin bilang mga magulang ang kontribusyon ng mga Guro bilang isa sa mga humuhubog ng kinabukasan ng ating mga anak. Naniniwala ako sa kasabihang ‘Teaching is not just a Profession but also a vocation ” dahil isa rin sa tungkulin ng isang Guro na hubugin ang kaalaman at kahusayan ng mga mag-aaral na siyang makatutulong sa bawat isa na maging isang malayang indibidwal pagdating ng panahon.
CONGRATULATIONS po sa lahat ng napromote at nakatanggap ng parangal, pasasalamat sa oportunidad na makasama ko kayo sa Gabi ng inyong Parangal.

« of 3 »

 

Official Website of Sablayan Legislative Office