Skip to main content

Ganadong Tulong, Ramdam sa Sablayan


Kagyat na tumugon sina Congressional Aspirant Leody F. Tarriela at Vice- Mayor Bong B. Marquez o ang Team para sa Mas Maunlad na Sablayan sa kahilingan ayuda sa pagkain ng Samahan ng mga Mangingisda ng Sitio Lulu, Barangay Sta. Lucia, Oktubre 15.
Halos isang linggo nang hindi makapangisda dahil sa lakas ng alon ang kasapian ng SAMASILU at pagkukunan ng pagkain ang pangunahin nilang suliranin.
Inihahanda naman ng Provincial Social Welfare Development Office ang tulong ni Gobernador Eduardo B. Gadiano para magkaroon ng proyektong payao na magsisilbing lugar pangisdaan. Kahilingan ito nina Vice- Mayor Bong B. Marquez, Board Member Edwin N. Mintu, Sangguniang Bayan Alfredo C. Ventura, Jr., Mark Anthony O. Legaspi at Marffin B. Dulay kasama sina Manny P. Tadeo, Inie H. Dimaculangan, Ted Soria, Nanding Dalangin at Clarinda Alvarez- Lorenzo.
Ayon kay Pangulong Danilo C. Rosales, lubos nila itong ipinagpapasalamat. Anya, ramdam nila ang ganadong tulong lalo na sa hanay ng mga mangingisda.

Official Website of Sablayan Legislative Office