
Golden Paradise Slp Association Sari-Sari Store And Fishing Supplies Ng Sitio Tabuk,Tumanggap Ng Tulong Pangkabuhayan – Hon. Bong Urieta
“GOLDEN PARADISE SLP ASSOCIATION SARI-SARI STORE AND FISHING SUPPLIES NG SITIO TABUK,TUMANGGAP NG TULONG PANGKABUHAYAN”
Pinangunahan ni Mayor Andres D. Dangeros at ni At your SerVICE SB Member Bong V. Urieta ang pagpapasinaya kahapon, Enero 15, 2022 sa Sari-sari Store ng GOLDEN PARADISE SLP ASSOCIATION kasama sina Atty. E-K Almero, Arjay “Batang Z” Bundang Zoleta, SB Member Obet Lim, Brgy. Paetan Punong Barangay Boyet San Diego at IPAO Espie Aranda na nagkakahalaga ng One Hundred Ninety Five Thousand Pesos (P195,000.00).
Ang samahan na ito ay nubuo noong 2018 sa tulong ng DSWD sa pangunguna ni Hattie Florence Quintero – Project Development Officer II. Lumapit ang samahan sa tanggapan ni Mayor Andres D. Dangeros sa pamumuno ni Chairman Zeto Agbo kasama ang myembro para maayos at magamit ang pundo sa proyekto.
Naging matagumpay naman ang pagbubukas ng nasabing tindahan at lubos na nagpapasalamat ang bawat miyembro sa mga naging kaagapay sa proyektong ito.
Sa huli hinimok ni Mayor Andy ang mga miyembro ng grupo na pagyamanin at paunlarin ang naibigay na pangkabuhayan sa samahan.