
Guro Ng Sablayan Central School Pinarangalan
Bilang pagkilala sa katapatan sa serbisyo sa Department of Education, mga guro ng Sablayan Central School pinarangalan, October 3, 2022 sa Sablayan Astrodome.
15 guro ng Sablayan Central School ang binigyang parangal ng Deped Sablayan bilang pagkilala sa kanilang hindi matatapatang husay sa serbisyo. Nakatanggap ng sertipiko ng pagkilala ang mga guro na naglaan ng 20 taon pataas na serbisyo sa pagtuturo.
Kasabay ng pagdiriwang ng World Teacher’s Day ng buong Purok ng Sablayan. Nagsama-sama ang lahat ng nga guro ng buong bayan, maging guro sa Elementary at Secondary. Ang naturang pagkilala ay sa inisyatiba ng Public Schools District Supervisor kaagapay ang nga Administrative Officers.
Dumalo din sa gabi ng parangal ang SB chair on Education Hon. Clarinda A. Lorenzo, Hon. Mayor Walter B. Marquez at iba pang personalidad. Nagpahatid sila ng pagbati at pagkilala sa bawat guro.
Imbitado din sa pagdiriwang ang mga retiradong kawanj ng Deped, ang retired School Heads/Principals.
Galak at ngiti ang namutawi sa bawat isa. Isang masayang Pagriwang ng World Teacher’s Day.