
HAPPY NATIONAL TEACHERS’ MONTH
Halos magdadalawang taon na mula nang magkaroon ng dagok ang ating bansa sa kung papaanong maipagpapatuloy ang edukasyon sa kalagitnaan ng pandemya. At sa puntong iyon, sabay sabay nating hinarap ang transisyon ng edukasyon mula sa tradisyunal na pag-aaral hanggang sa iba’t ibang paraan ng blended at online learning.
Dahil dito, mas lumaki at lumawak ang kinailangang paggawa at sakripisyo ng ating mga bayaning guro. Kaya naman upang makasabay sa mga pagbabagong ito, dumoble rin naman ang DEDIKASYON ng ating mga GURO.
Bilang pagbibigay pugay, binabati namin ang lahat ng GURO ng HAPPY NATIONAL TEACHERS’ MONTH mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 ng taong kasalukuyan alinsunod sa Presidential Proclamation No. 242 series of 2011.
Isa po kayo sa mga naging instrumento ng Diyos upang mai-ahon ang bansa sa ngalan ng edukasyon. Hindi matatawaran ang inyong pagod, puyat at sakripisyo upang ihatid ang pag-aaral sa ating mga estudyante at kabataan. Kayo ang tunay na bayani!
Saludo po kami sa lahat ng guro! Salamat sa inyo, aming mga bayani!