Happy Teacher’s Day Sablayeño

Happy Teacher’s day po sa lahat ng kaguruan, maraming salamat po sa inyong sakripisyo, sipag at tiyaga simula noon hanggang ngayon ng pagtuturo. Kayo po ay napakahalagang bahagi sa paghubog ng buhay ng bawat isa at ng pamayanan.
“Without your Guidance and wisdom, I would not be where I am now”
Salamat po, Mabuhay po kayo!

Isang makabuluhang Araw ng Lunes, unang linggo sa buwan ng Oktubre. Ngayong araw, ang inyo pong lingkod ay naimbitahang dumalo sa pagdiriwang ng Teachers Day na ginanap sa Sablayan Astrodome na may temang ” Gurong Pilipino, Dangal ng Sambayanang Pilipino”. Muli, binabati ko po kayo at mabuhay po ang lahat ng mga guro.
Pagkatapos po nito, tayo rin ay tumungo sa SB session Hall para sa isinagawang 3rd Regular Session na pinangunahan ng ating mahal na Vice Mayor Edwin Mintu, kasama ang mga kapwa Sangguniang Bayan Members, ex-officio members at mga bisita mula sa engineering office, at admin office.
Pagpalain po tayong lahat at ang ating mga adhikain sa buhay.
#kakalinga #aagapay

« of 2 »

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office