
HILING NG MAGPAPAYAW NG SAN NICOLAS, IBINIGAY NI VM BONG AT CONGRESSIONAL ASPIRANT ODIE TARRIELA
Nakamit na ng mga mangingisda na kabilang sa Pinagpalang Mangingisda sa San Nicolas (PMSN) ay kamakailan lang ay hiniling nila kay VM Bong Marquez upang magamit sa kanilang payaw. Ang payaw ay isang uri ng balsa o palutang na yari sa kahoy o anumang lumulutang na piraso ng kahoy na umaakit ng isda na nangangailagan ng lubid upang ito ay hindi mapapadpad o madala ng agos ng laot.
Anim na rolyo o 1200 metro ng lubid ang inisyal na ibinigay ni VM Bong at Congressional Aspirant Odie Tarriela sa samahan para sa payaw ng mga mangingisdang iyon ng Brgy. San Nicolas, Sablayan, Occidental Mindoro. Labis ang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob ng pangulo ng PMSN na si Ryan Acosta. Aniya, “Napakalaking tulong ito sa amin lalo na kami ay tinataboy sa ibang payaw.”
Ang Barangay San Nicolas ang sumasakop sa Dongon Point na isa sa bahagi ng karagatan pinagkukunan ng mga matataas na kalidad ng isda na iniluluwas sa mga pamilihan sa labas ng lalawigan.