Skip to main content

HYGIENE KITS PARA SA MGA PDL


Inaabot pa rin ng pagtulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan kahit ang mga taong pinagkaitan ng kalayaan mula sa inisyatiba ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO sa pangunguna ni Ms. Rosalina “Sally” D. Lamoca bilang pagtalima pa rin sa atas ni Gov. Eduardo B. Gadiano.
Bagamat hindi nakadalo ang gobernador dahil sa kaparehas na mahalagang opisyal na pinuntahan, siya ay kinatawan ni Vice-Mayor Bong Marquez sa pamimigay nang may isang libong mga Hygiene Kit sa mga Persons Deprived of Liberty o PDL sa Sablayan Prisons and Penal Farm (SPPF). Kasama rin sa pamamahagi si Father Rolly Villnueva bilang chaplain ng SPPF. Ang aktibidad ay bahagi ng unang pasabog para sa Pasko na tinawag nilang Pamaskong Handog ng Serbisyong Ganado.
Ang mga Hygiene Kits ay kadalasang naglalaman ng sabong mabango, sabong panlaba, isopropyl alcohol at iba pa. Maliit na bagay kung maituturing ang mga ito pero mahalaga ito sa mga bilanggo para maiwasang sila ay magkasakit sa loob ng selda o ng pasilidad.
Sa ngalan ng mga bilanggo, nagpasalamat si Superintendent Joel M. Arnold, kay VM Bong at Gov. Ed at sa mga staff ng PSWDO na namahagi nang mga iyon sa SPPF ika-4 ng Nobyembre 2021.

Official Website of Sablayan Legislative Office