Skip to main content

IGOROT WARRIORS, PANALO SA PAGLILINGKOD


Kaalinsabay ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Katutubo, iginawad ni Vice- Mayor Bong B. Marquez ang Resolution No. 2021-SDM158 o ang pagkilala ng Sangguniang Bayan sa Igorot Warriors International- Sablayan Chapter sa mga naging ambag at paglilingkod nito sa munisipalidad, Oktubre 23.
Opisyal na tinanggap ni CSInsp Joel M Arnold, Acting Superintendent, Sablayan Prison and Penal Farm ang parangal, kasama ng mga opisyales at kasapi ng IWI.
Simula ng itatag at palaganapin ang kulturang Igorot sa Sablayan at buong isla ng Mindoro, marami na itong natulungan, lalo na ang mga katutubong Mangyan at mga nangangailangan. Ang IWI ay nagsilbing instrumento sa pagkakaloob ng mga school supplies, pagkain sa panahon ng pandemya at iba’t- ibang charitable and humanitarian missions.
Aktibong kaagapay din ang IWI sa implementasyon ng Brigada Eskwela, Brigada Pagbasa at pagtatanim ng mga puno.
Bahagi din ng proyekto at paglilingkod ang dating SPPF Superintendent, CSInsp Jayferson G Bon-as.
Ayon kay Vice- Mayor Marquez, tiyak ang panalo ng Igorot Warriors gamit ang sandatang pagkakaisa, pagtutulungan at mabuting kalooban.

Official Website of Sablayan Legislative Office