
Ika-1 taong anibersayo ng pagkakatatag ng TUBATODA
At your SerICE po:
Bilang committee chair ng Public Transportation sa konseho, naging pangunahing panauhin si Konsehal Bong Urieta sa ika-1 taong anibersayo ng pagkakatatag ng TUBATODA (Tuban, Batong-Buhay Tricycle Operators and Drivers Association) sa pangunguna ng kanilang Federation President Joselito Jugo nitong October 29, 2021.
Isang mataimtim na panalangin ang inalay ng mga operators at drivers sa nasabing pagdiriwang na sinundan naman ng ribbon cutting ceremony.
Samantala, sa mensahe ni Konsehal Bong Urieta, ipinaabot nito ang patuloy at buong pusong suporta sa samahan sa gitna ng matinding dagok ng pandemya sa kanilang sektor.
Naging bahagi rin ng pagdiriwang sina Konsehal JB Dawates, Konsehal Greg Villar, dating Konsehal Che Quiatchon, at Kapitan Rolando Perez.
Sa kasalukuyan, mayroong 37 aktibong myembro ang naturang samahan.
#atyourserVICE_BongUrieta
#AnakNgSablayan
#UnaLagiAngBayan
#KonseOne