IKA-ANIM NA SESYON SA BARANGAY VICTORIA, SABLAYAN OCCIDENTAL MINDORO

Ngayong ika-9 ng Agosto taong kasalukuyan, ginanap ang ika-anim na Pangkaraniwang Pagpupulong sa Bahay Pulungan ng Barangay Victoria Sablayan. Ang pulong ay pinamunoan ni Vice-Mayor Edwin N. Mintu kasama ang mga Konsehales sa pangunguna ni Kon. Clarinda A. Lorenzo, Kon. Alfredo C. Ventura Jr., Kon. Marffin B. Dulay, Kon. Manuel P. Tadeo, Kon. Conchita H. Dimaculangan, Kon. Mark Anthony O. Legaspi, Kon. Nancy L. Landicho at Kon. Roberto C. Lim kasama din dito ang SB President Kgg. Fernando L. Baliao, IP Representative Kgg. Abraham R. Padua at ating SK President Kgg. Harold Cortez.

Bago ang sesyon, nagkaroon muna ng pagtitipon ng komite sa pagsasaayus ng lupang nasasakopan sa pagitan ng dalawang barangay, ang Barangay Paitan at Barangay Victoria sa pangunguna ng Pangulong-Lupon sa Lupa Kgg. Kon. Alfredo C. Ventura Jr.. Matagumpay namang naisaayos at pinagtibay ang mga napag-usapan tungkol dito.

Isang pasasalamat kay Kapitan Marvin P. Tadeo sa mainit nyang pagtanggap sa Barangay Victoria sampo ng kanyang mga kasamahan at matagumpay na naidaos ang ika-anim na pangkaraniwang pagpupulong.

#BatangSablayan

« of 2 »

© | Sangguniang Bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro
All rights reserved. Powered by
Back to Top
Official Website of Sablayan Legislative Office