
Ikalawang Pamamahagi ng Tulong Pinansyal Pang-Edukasyon
“Ikalawang Pamamahagi ng Tulong Pinansyal Pang-Edukasyon”
Ngayong araw Setyembre 20,2022 sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Walter B. Marquez at sa suporta ng ating mahal na Vice Mayor Edwin N. Mintu katuwang ang mga opisyales ng MSWD, isinagawa ang ikalawang pamamahagi ng tulong pinansyal pang edukasyon o Educational Assistance para sa mga mag-aaral,ito ay ginanap sa tanggapan ng MSWD Sablayan.
Hangarin ng ating lokal na pamahalaan na matulungan ang mga kabataan na makapagtapus sa kanilang pag-aaral upang makatulong sa magulang at sa mamamayan at lalo’t higit maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Matagumpay na naipamahagi ang tulong pinansyal pang edukasyon ngayong araw!
#batangsablayan